Pangulong Duterte, ipinaliwanag kung bakit patuloy na nagsasagawa ng weekly public address sa kabila ng banta ng COVID-19

Dinipensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang patuloy na pagsasagawa niya ng lingguhang pre-recorded public address sa kabila ng banta ng COVID-19.

Giit ng pangulo, kailangan ng gobyerno na ipaalam sa publiko ang sitwasyon ng bansa at ang ginagawa nila para tugunan ang pandemya.

Aniya, nauunawaan niya na bawal ang gatherings sa kasalukuyang restriksyon na pinaiiral sa bansa pero kailangan aniyang ipagpatuloy ng gobyerno ang trabaho rito.


“If bawalan mo lahat magtrabaho, then the machinery of government will stop to grind. Sino ngayon ang mag— what is the face of government at this time?” saad ni Pangulong Duterte.
“We do not want to do it. One is really because of our safety, public health; and second is, well, somebody has to communicate with the people,”
“Ngayon, kung magka-COVID kami, then so be it. Kasali sa trabaho ‘yan, eh. Now kung mamatay then so be it,” dagdag niya.

Facebook Comments