Pangulong Duterte ipinatawag ang mga opisyal ng MWSS

Makakaharap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng MWSS mamayang gabi dito sa Palasyo ng Malacanang.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, ipinatawag ni Pangulong Duterte ang mga opisyal ng MWSS upang magreport ang mga ito sa pangulo ukol sa sitwasyon ng supply ng tubig sa Metro Manila at maging sa mga kalapit na lalawigan.

 

Ayon kay Panelo, pasado alas-6 mamayang gabi nakatakda ang pulong ng Pangulo sa mga opisyal ng MWSS.


 

Nabatid na ngayon ay humaharap din sa isang imbestigasyon sa Senado ang mga opisyal ng MWSS kasama ang mga opisyal ng Maynilad at maging ng Manila Water.

 

Matatandaan noong nakaraang linggo ay inatasan ng Pangulo ang MWSS na utusan ang mga water concessionaires na maglabas ng tubig para sa kanilang mga customers na aabot ng 150 araw na bagay naman na gustong linawin ng MWSS dahil wala naman aniya silang kakayanang gawin ito dahil kada araw ang bilangan nila ng paglalabas ng tubig.

Facebook Comments