Manila, Philippines – Ipinauubaya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mambabatas ang pagbabalangkas ng kaukulang batas para sa mungkahing pagsasauli ng mga tagong yaman ng Pamilya Marcos.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella – prayoridad ng Pangulo ang interest ng bawat mamamayang Pilipino.
Nauusad lamang ang pagbabalik ng umano’y tagong yaman ng pamilya Marcos kung may batas nang nabuo na siyang magiging gabay ng proseso.
Samantala, hindi pa kumpirmado kung inimbitahan ng mga Marcos si Pangulong Duterte sa Ilocos Norte para sa ika-100 taong kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Lunes, Setyembre 11.
Ginawang holiday ng Malacañang ang September 11 sa Ilocos Norte.
Facebook Comments