Pangulong Duterte, ipinauubaya sa independent agencies ang pag-iimbestiga kay Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at sa son-in-law na si Mans Carpio

Manila, Philippines – Ipauubaya na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa “independent agencies” ang pag-iimbestiga kay Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at sa son-in-law nitong si Manases Carpio kaugnay sa pagkakasangkot umano ng mga ito sa korapsyon at drug smuggling.

Ito ang tugon ng Pangulo nang matanong hinggil sa pahayag ni Senator Leila De Lima na ang paglaganap ng droga sa Davao City ay kagagawan ni Pulong at ni Maneses.

Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa Hong Kong na ang mga babaeng militar na sumabak sa bakbakan sa Marawi City.


Aniya, sinagot ng Cebu Pacific Airlines ang airfare ng mga sundalong babae.

Sinabi rin ng Pangulo na suportado niya ang pahayag ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte na i-localized ang peace negotiations sa NDF-CPP-NPA.

Gayunman, dapat aniyang sumuko ang mga miyembro ng New People’s Army.

Facebook Comments