Pangulong Duterte, ipinusta ang pagkapangulo para sa integridad ni Galvez

Ipinusta ni Pangulong Rodrigo Duterte kanyang presidency o pagkapangulo para patunayang hindi tiwali si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr.

Ito ay harap ng pagkwestyon ng mga mambabatas sa pagbili ng gobyerno ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Pangulong Duterte, naniniwala siya sa integridad ni Galvez.


Iginiit ni Pangulong Duterte na malaki ang naging papel ni Galvez sa pagtapos ng Marawi Siege noong 2017.

Sa kabila ng mga panawagan, tumanggi pa rin si Galvez na ibunyag ang eksaktong halaga ng Sinovac vaccines dahil sa confidential disclosure agreement sa pagitan ng pamahalaan at ng Chinese pharmaceutical company.

Facebook Comments