Pangulong Duterte, isa sa pinakamasipag na pangulo ayon sa palasyo

Manila, Philippines – Binigyang diin ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na hindi ibigsabihin na hindi nakikita ang Pangulo ng publiko ay hindi na ito nagtatrabaho.
Ito ang sinabi ng MalacaƱang matapos ang ilang araw na pagpapahinga ng Pangulo.
Ayon kay Andanar, hindi kailangang lagging nakikita ng publiko ang Pangulo para mapatunayang magtrabaho ito.
Kahit kailangan aniyang magpahinga ang Pangulo ay maituturing parin itong isa sa pinakamasipag ng pangulo ng bansa kung ikukumpara sa mga nakalipas ng pangulo dahil sa dami ng mga nagawa nito sa unang taon ng kanyang panunungkulan as marami pa aniya itong nakalinyang dapat gawin.
Nabatid na bukod sa mga public events ni Pangulong Duterte kahapon ay mayroon ding maraming nakalinyang aktibidad ang Pangulo mamayang hapon hanggang gabi.

Facebook Comments