Manila, Philippines – Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya makikipagusap at nakipagusap sa mga terorista.
Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte saharap narin ng naging pahayag ni Imam Agakhan Sharief na kinausap siya ng isang senior Aide ni Pangulong Duterte para kausapin umano ang Maute para ibaba na ang kanilang mga armas at mapalayaa ang kanilang mga bihag.
Ayon kay Pangulong Duterte, hinding hindi niya kakausapin ang mga terosista at mga criminal pero bukas siya sa pakikipagusap sa mga revolutionaries.
Paliwanag ng Pangulo, mayroong ipinaglalaban ang mga revolutionaries tulad nalamang ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at ang Moro National Liberation Front o MNLF dahil sa kanilang nagaalab na Nationalism.
Facebook Comments