Pangulong Duterte, itinanggi na may kinalaman siya sa isang libong pisong budget sa CHR

*Manila, Philippines – Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na alam na ng Commission on Human Rights ang pagbibigay ng kamara ng isanlibong pisong budget para sa susunod na taon.*

*Ayon sa pangulo, galit ang mga congressman sa CHR at kay CHR Chairman Chito Gascon dahil sa maling paraan ng pagsasagawa nito ng imbestigasyon sa war on drugs ng administrasyon.*

*Dagdag pa ng pangulo, naging mabilis sa paghuhusga ng CHR sa mga kaso ng mga napapatay sa giyera kontra droga sa bansa.*


*Gayunman, itinanggi naman ng pangulo na may kinalaman siya sa pagbibigay ng isanlibong pisong budget sa CHR.*

Facebook Comments