Pangulong Duterte, itinurong nasa likod ng pag-downgrade ng kaso laban sa mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Mayor Espinosa

Manila, Philippines – Buo ang paniniwala ni Senator Antonio Trillanes IV na si Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa likod ng pagbaba sa homicide ng murder case na naunang inirekomendang isampa sa 19 na Leyte Police na sangkot sa kaso ng pagpatay kay Albuera, Mayor Rolando Espinosa.

Sa tingin ni Trillanes, si Pangulong Duterte din ang nasa likod ng pagpatay kay Mayor Espinosa.

Ayon kay Trillanes, yan ang misyon nina si Supt. Marvin Marcos at kanyang grupo kaya sila pinabalik ni Pangulong Duterte noon sa Criminal Investigation and Detection Group o CIDG region 8 kahit ni-relieve na sila ni PNP Chief General Bato Dela Rosa.


Sabi pa ni Trillanes, si Marcos din ay kasama sa umanoy binuong Philippine Death Squad ni Pangulong Duterte na siyang nasa likod ng nagaganap na extra-judicial killing sa buong bansa.

Facebook Comments