Pangulong Duterte, kabilang sa mga unang makatatanggap ng COVID-19 vaccine

Makakasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa unang makatatanggap ng bakuna laban sa COVID-19.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, 75-anyos na ang Pangulo, isang senior citizen.

Ang mga senior citizens aniya ay pangalawa sa mga vaccine priority list ng gobyerno pagkatapos ng healthcare workers.


Dagdag pa ni Roque, nais ng Pangulo na mapabilang sa mga unang Pilipinong makatatanggap ng bakuna para maitaas ang kumpiyansa ng publiko.

“Importante rin po na magpabakuna siya para sa vaccine confidence. So inaasahan natin na isa siya sa pinaka-una,” ani Roque.

Ang punto na lamang aniya rito ay kung gagawin ba ng Pangulo ang pagpapabakuna sa publiko o gawing pribado ito.

“The issue is if he will do it public or privately and that’s his right. Pero yung pagpapabakuna po niya is intended to tell everyone na ang bakuna ay ligtas at epektibo kapag inissuehan po ng EUA ng ating gobyerno,” sabi ni Roque.

Bago ito, magugunitang sinabi na ng Palasyo na ayaw ng Pangulo na isapubliko ang kanyang pagpapabakuna dahil nais niyang iturok ang COVID vaccine sa kanyang puwet.

Facebook Comments