Kasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa listahan ng 36 na world leaders na “press freedom predators” ng Paris-based media watchdog na Reporters Without Borders (RSF) ngayong taon.
Ang RSF ay naglabas ng gallery ng mga world leaders na nagsasagawa ng malawakang crack down sa press freedom.
Ayon sa RSF ang estilo ni Pangulong Duterte ay magkasa ng “total war” laban sa independent media.
Anila, ang Kongreso ay ineendorso ang lahat ng desisyon ng Pangulo habang naisasantabi ang mga hukom.
“The executive has enormous power centered on the president. Judges who don’t toe the line are pushed aside. Congress tamely endorses all the president’s decisions,” sabi sa report ng RSF.
“Backed by most of the private sector, Duterte easily imposes his line on media outlets owned by businessmen that support him. Independent media outlets have assumed the role of opposition, with all the risks that this entails.”
Mayroon anilang “arsenal” o sandata si Pangulong Duterte kabilang ang pagpapaulan ng kasong defamation, tax evation at paglabag sa capital legislation, pagbawi ng broadcast licenses, paggamit ng troll army para siraan ang mga mamamahayag, at bilhin ang ilang media outlets.
Binanggit din sa report ang mga tinarget ni Pangulong Duterte na media outlets gaya ng Philippine Daily Inquirer, ABS-CBN, at Rappler.