Pangulong Duterte, kampante na masasagot ni Duque ang mga alegasyon laban sa kanya

Tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte na masasagot ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang mga alegasyon ukol sa pagresponde sa COVID-19.

Kasunod ito ng binuong dalawang team ng Ombudsman na mag-iimestiga laban kay Duque at sa iba pang opisyal ng DOH dahil sa umano’y iregularidad sa pagtugon sa pandemya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kampante ang Pangulo na masasagot ng kalihim ang lahat ng alegasyon.


Nauna nang tiniyak ng DOH na handa silang makipagtulungan sa imbestigasyon.

Iginiit din ng kagawaran na una pa lang ay naging ‘transparent’ sila sa mga datos na kanilang inalalabas.

Facebook Comments