Pangulong Duterte kay Joma Sison: "Huwag mo akong susubukan"

Manila, Philippines – Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Communist Party of the Philippines Founding Chairman Joma Sison na mabuti siyang kaibigan pero huwag lang siyang babastusin at takutin at ibang makikita sa kanya.
Ito ang mensahe ni Pangulong Duterte kay Sison sa harap narin ng tuluyang pagputol ng Pangulo sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng rebeldeng grupo.
Ayon sa Pangulo, kaya niyang maging statesman at makipagusap ng maayos pero hindi ito mangyayari sa hanay ng mga komunista dahil magulong kausap ang mga ito.
Ginawa aniya ng gobyerno ang lahat para lamang maitulong ang usapang pangkapayapaan pero iba naman ang isinukli ng gma rebellde na nauwi sa pagkamatay sa maraming sundalo at pulis.
Mensahe pa ng Pangulo kay Joma Sison, salungat ang aksiyon nito na nagsasabing gusto siyang kausapin pero pina-ambush naman sa kanyang mga tauhan.

Facebook Comments