Manila, Philippines – Inoobliga ni House Deputy Minority Leader Alfredo Garbin ang Duterte administration na ipilit ang karapatan nito sa West Phil. Sea matapos ang isang taon na nakalipas na paborableng desisyon ng arbitral tribunal sa Pilipinas.
Giit ni Garbin, hanggang ngayon ay hindi niya kinakitaan ng pagkilos ang pamahalaan na ilaban ang karapatan ng bansa kahit pa nadesisyunang ang Pilipinas ang may karapatan sa teritoryo.
Naaalarma din siya na sa kabila ng desisyon ay hinahayaan ng pamahalaan ang China na makapagpatayo ng mga imprastraktura sa mga isla sa WPS na sakop ng bansa.
Dagdag ni Garbin, ang ginagawa ng China ay malinaw na paglabag sa desisyon ng arbitral tribunal at hindi paggalang sa international law.
Panahon na aniya na maramdaman naman ng mga Pilipino na ilaban ang karapatan sa mga nasasakupang teritoryo.