MANILA – Hindi hahayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na makulong ang pulis na sangkot sa pagpatay kay Albuera City Mayor Rolando Espinosa.Ito’y kahit lumabas sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na rubout at hindi shootout ang nangyaring pagpatay kay Mayor Espinosa.Sa kanyang speech sa urban poor solidarity week sa Mandaluyong – sinabi ng pangulo na wala siyang “pakialam” kahit anu pa ang sabihin ng NBI lalo’t hawak din ang Dept. of Justice na nangangasiwa sa nbi.Sinabi pa ng pangulo na hindi niya pinaniniwalaang ang lumabas sa imbestigasyon ng NBI.Mas naniniwala anya siya bersyon ng pulis na lumaban kaya napatay si Espinosa sa loob ng kanyang selda sa Baybay sub-provincial JailSamantala, inakusahan naman ni Sen. Antonio Trillanes IV si Pangulong Duterte na siya ang utak ng pagpatay kay Mayor Espinosa.Dahil na rin ito sa patuloy na pagtatanggol ng pangulo kay Supt. Marvin Marcos at iba pang miyembro ng CIDG Region 8 na kasama sa raiding team na nagsilbi ng search warrant kay Espinosa.Sa kabila nito – hindi pa naman nakikita ni Trillanes na aabot ito sa impeachment kay Pangulong Duterte.
Pangulong Duterte, Kinampihan Ang Mga Pulis Na Sangkot Sa Pagpatay Kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa
Facebook Comments