Pangulong Duterte, kinilala ang kabayanihan ng mga frontliner kasabay ng paggunita ng Victory of Mactan

Kinilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sakripisyo ng medical frontliners kasabay ng ika-500 taong paggunita ng Victory of Mactan.

Sa kaniyang mensahe, hinakayat ng Pangulo ang publiko na gawing inspirasyon ng mga Pilipino ang tapang at sakripisyo ng mga bayani at ng mga frontliner para maging matatag laban sa kinakaharap na pagsubok sa pandemya.

Aniya, maihahalintulad ang mga frontliner ngayon kay Lapu-Lapu na matapang na hinaharap ang panganib sa COVID-19 para lamang masiguro ang kaligtasan ng kapwa Pilipino.


Umaasa naman si Pangulong Duterte na maging makabuluhan ang ika-500 taong paggunita ng Victory of Mactan.

Facebook Comments