Pangulong Duterte kinilala ang mga ginagawa ng business advisory council ng ASEAN para tulungan ang mga maliliit na negosyo sa buong rehiyon

Nagalak si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga hakbang na ginawa ng Association of Southeast Asian Nation o ASEAN Business Advisory Council o ABAC.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo sa isang pahayag dito sa Bangkok, Thailand, kinilala ni Pangulong Duterte ang ABAC sa pakikipagtulungan nito para mapaganda ang competitiveness ng ASEAN Micro, Small and Medium Enterprises sa pamamagitan ng inclusive human capital development, public-private partnerships sa regional economic cooperation at development initiatives nito.

Ikinatuwa aniya ni Pangulong Duterte ang ASEAN Mentorship for Entrepreneurs Network na inilunsad sa Pilipinas noong 2017 na naglalayong tulungan ang mga MSMEs na maging global competitive.


Umapela din naman aniya si Pangulong Duterte sa ABAC na suportahan ang ASEAN workforce upgrades na ginagawa aniya ni Pangulong Duterte sa Pilipinas at umaasang magagawa rin sa buong rehiyon.

Facebook Comments