Pangulong Duterte, kinumpirma ang spill-over ng Maute sa ARMM

Manila, Philippines – Bukod sa Marawi City, kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-spill over na rin ang gulo sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa pagdalo sa ika-11 anibersaryo ng Eastern Mindanao Command sa Davao, sinabi ni Duterte na may report sa kanya tungkol sa tinatayang isang daan armadong grupo na namataan sa Buldon, Maguindanao.

Una nang kinumpirma ng MILF ang nasabing bilang na mula umano sa grupong Islamic state na posibleng patungo sa bayan ng Butig, Lanao del Sur.


Sa Butig umusbong at nagsimula ang grupong Maute at nagsilbing training ground ng kanilang mga miyembro.

Facebook Comments