Pangulong Duterte, Kinumpirmang Dadalo Sa Apec Summit Sa Peru

4

MANILA – Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na dadalo siya Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa Peru.Ayon kay Duterte, umaasa siyang makakaharap niya si Russian President Vladimir Putin.Kagabi, sinabi ng Pangulo na nakausap niya sa Malakanyang si Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev at binanggit niya ang kanyang hangarin na makaharap ang kanilang presidente para sa isang bilateral meeting.Anya, wala naman siyang hihingiin dito kundi gusto lang niyang makipagkaibigan kay Putin at maging “best friends” ang Russia at Pilipinas.Ang APEC Summit ay gaganapin sa ika-labing siyam hanggang ika-dalawampu ng Nobyembre.

Facebook Comments