Kinumpirma mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na dadalo siya sa Enthronement o pormal na pag-upo sa trono ng bagong Japanese Emperor na si Naruhito.
Sa kanyang Press Conference sa Davao City, binanggit ng pangulo na maraming naitulong ang Japan sa Pilipinas, kaya nararapat lamang na makadalo siya.
Si Naruhito ang papalit sa kanyang ama na si Akihito matapos bumaba nitong Abril.
Nakatakdang gawin ang Grand Ceremony sa October 22.
Una nang sinabi ng Malacañang na hindi makakadalo ang pangulo dahil maraming trabaho pa siyang kailangang gawin.
Facebook Comments