Pangulong Duterte, kinumusta ang kondisyon ni dating Pres. Erap ayon sa magkapatid na Jinggoy at JV

Kinumusta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kalagayan ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Sa huling medical bulletin, sinabi ni Dating Senator Jinggoy Estrada na isinailalim na sa mechanical ventilation ang kanilang ama matapos lumala ang pneumonia nito.

Ang ventilator ay makatutulong para umayos ang daloy ng oxygen sa katawan ng tao at maiwang mapagod ang respiratory mechanism.


Para naman kay Dating Senator JV Ejercito na “unpredictable” ang COVID-19 dahil sa nangyari sa kanilang ama.

Muling nananawagan ang magkapatid ng dasal sa lahat para sa agarang paggaling ng kanilang ama.

Sa Facebook post, nagpapasalamat si Jinggoy sa pagtawag ni Pangulong Duterte sa kanila para alamin ang sitwasyon ng dating presidente.

Sa tweet, sinabi naman ni JV na napakalaking bagay ang pagtawag sa kanila ni Pangulong Duterte dahil nagbibigay ito sa kanila ng lakas ng loob sa ganitong sitwasyon.

Si Dating Pangulong Erap ay magdiriwang ng kanyang ika-84 na kaarawan sa April 19.

Facebook Comments