Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte haharangin niya ang anumang court order na pipigil sa pagpapatupad ng pamahalaan ng health protocols sa Cebu province.
Sa kanyang public address, nagbabala si Pangulong Duterte sa posibleng ‘impasse’ at ‘ruckus’ lalo na at hindi niya susundin ang anumang utos ng korte na makakadiskaril sa pandemic response.
Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na tungkulin niyang protektahan ang kalusugan ng publiko.
Punto pa niya, ito ay para sa ikaliligtas ng bansa, hindi para sa hustisya.
Bagamat iginagalang niya ang mga korte, pero sa panahon ng public health emergency, pinayuhan ni Pangulong Duterte ang mga korte na huwag maglabas ng anumang injunction laban sa patakaran ng pamahalaan para sa international arrivals sa Cebu.
Ang ordinansa ng lokal na pamahalaan hindi dapat nakakahigit sa pambansang polisya.
Nabatid na dalawang abogado ang naghain ng petisyon sa Cebu court na layong ipahinto ang pagpapatupad ng arrival protocols ng pamahalaan, partikular ang 10-day quarantine para sa returning Filipinos sa Cebu province.