Pangulong Duterte, kumpirmado nang mangunguna sa national assembly ng PDP-Laban sa July 17

Kinumpirma na ni Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Deputy Secretary General Atty. Melvin Matibag ang pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gaganaping national assembly ng partido sa July 17.

Ito ay sa kabila ng pagtutol na ilang miyembro ng partido sa pangunguna ni PDP-Laban President at Senator Manny Pacquiao.

Ayon kay Matibag, maliban kay Pangulong Duterte ay ilang personalidad din ang dadalo sa pulong.


Mahigpit namang ipapatupad ang mga protocols para sa seguridad ng pangulo sa pangunguna ng Presidential Security Group (PSG).

Pagtitiyak pa ni Matibag, kahapon ay nagsagawa na ng briefing ang partido kung saan pinag-usapan ang mga ipapatupad na alituntunin.

Ang pulong ay inorganisa ni PDP-Laban Vice Chairman at Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi.

Facebook Comments