Pangulong Duterte, kumpiyansang fully vaccinated na ang 50% ng kabuuang populasyon ng bansa bago mag-Pasko

53

Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na 50% ng 109 milyong populasyon ng bansa ang magiging fully vaccinated kontra COVID-19 bago sumapit ang Pasko.

Sabi ng Pangulo, ang hamon na lamang sa ngayon ay kung paano pa mapapabilis ang vaccination rollout lalo na sa mga probinsya.

Nabatid na mahigit 23 milyong Pilipino na sa buong bansa ang fully vaccinated.


Inaasahang tataas pa ito oras na masimulan na ang pagbabakuna sa mga kabataang edad 12 hanggang 17 simula sa October 15.

Muli namang umapela ang Pangulo sa publiko na magpaturok na ng COVID-19 vaccine anuman ang brand nito.

Facebook Comments