Pangulong Duterte, kumpiyansang mas gaganda ang katayuan ng bansa ngayong taon

Tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte na masisilayan ng mga Pilipino ang mas magagandang araw ngayong 2021 matapos ang nakakalungkot na taong idinulot ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang New Year’s message, sinabi ng Pangulo na sasalubungin ng mga Pilipino ang 2021 na mas matalino, mas malakas at mas handa sa mga darating na hamon.

Ito ay dahil naniniwala siya sa “indomitable spirit” ng mga Pinoy.


Si Pangulong Duterte ay nagdiwang ng Bagong Taon sa Davao City kasama ang kanyang pamilya.

Samantala, sa pagtatapos ng 2020, nakapagtala ng kabuuang 474,064 na kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 439,796 ang gumaling at 9,244 ang namatay.

Mas mababa ito sa prediksyon ng mga eksperto na posibleng pumalo sa kalahating milyon ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa pagtatapos ng 2020.

Kumpiyansa naman ang gobyerno na masisimulan ang pagbabakuna sa bansa sa first quarter ng 2021.

Facebook Comments