Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na mananatili ang kanyang adhikain na labanan ang operasyon ng iligal na droga hanggang sa huling araw ng kanyang termino.
Sa aktibidad ng pangulo sa Cebu kahapon, sinabi nitong nagkamali siya na kaya niyang tuldukan ang pamamayagpag ng iligal na droga sa bansa sa loob lamang ng anim na buwan.
Ayon pa sa pangulo, bigo siyang maisakatuparan ito dahil mismong mga opisyal pala ng pambansang pulisya noon ang nasa likod ng operasyon ng iligal na droga sa bansa.
Aniya, hindi niya batid na ganoon pala kalawak ang problema ng iligal na droga.
Dahil dito, muling kinalampag ng pangulo ang Commission on Human Rights (CHR) para tingnang maigi at pag-aralan ang mga dahilan sa likod ng mga insidente ng pagkamatay ng mga drug suspect sa mga drug operation ng mga pulis at huwag lang mag-focus sa dami ng mga napapatay sa anti-illegal drug operation.