Pangulong Duterte, lalagdaan na anumang oras ngayon ang memorandum order na nagpapahintulot ng 50% advance payment sa pagbili ng COVID-19 vaccine

Lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayon ang memorandum order kung saan tataasan ang limitasyon ng advance payments sa halaga ng kontrata para sa pagbili ng COVID-19 vaccines nang hanggang 50%.

Sa pamamagitan nito ay masisiguro ang napapanahon at maayos na pagpapatupad ng COVID-19 vaccination plan ng gobyerno.

Gusto kasi ng mga pharmaceutical companies na i-advance na ang bayad bago nila i-deliver ang mga bakuna sa bansa.


Sa ilalim ng Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act, nakasaad na ang advance payment ay hindi dapat lumagpas ng 15% ng kabuuang halaga ng kontrata, maliban na lamang kung ipag-uutos ng Pangulo ng bansa.

Facebook Comments