Pangulong Duterte lalahok sa 38th ASEAN Summit

Makikibahagi si Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-38 Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit na nakatakda ngayong linggo.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ayon sa kalihim, dadalo ang pangulo sa ASEAN summit sa pamamagitan ng online platform, simula ngayong araw (Oktubre 26) hanggang ika-28 ng Oktubre, 2021.


Ang Brunei ang siyang nagsisilbing host country para sa taong ito.

Sa nasabing summit, tatalakayin ang mga usapin na mayroong kinalaman sa kalakalan, seguridad, climate change, cultural exchange at iba pang polisiya o interest na kapwa isinusulong ng ASEAN state members.

Bukod sa sampung bansang miyembro ng ASEAN, naimbitahan din ang Estados Unidos, Japan, Korea, China, Russia at iba pang bansa.

Facebook Comments