Pangulong Duterte, lalahok sa ASEAN virtual summit sa June 26

Magiging bahagi si Pangulong Rodrigo Duterte sa isasagawang virtual meeting ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa June 26.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala pa siyang impormasyon sa mga isyu na tatalakayin ng Pangulo sa summit.

Sinabi ni Roque na maraming meeting ang naka-schedule sa susunod na linggo pero tiniyak niya na isasapubliko ang mga agenda ng bawat pulong.


Nitong Abril, sumama si Pangulong Duterte kasama ang ilang ASEAN leaders at dialogue partners tulad ng China, Japan, South Korea sa isang special virtual summit on COVID-19.

Dito ay ipinanawagan ni Pangulong Duterte sa kapwa world leaders na tiyakin ang food security at chain connectivity.

Suportado rin ng Pangulo ang pagbuo ng regional reserves ng medical supplies at hinihikayat ang mga bansa na palakasin ang kapasidad ng kanilang healthcare systems.

Binigyang diin din ng Pangulo na ang lahat ng bansa ay dapat mabigyan ng patas at madaling access sa bakuna at gamot para sa COVID-19.

Facebook Comments