Sa kauna-unahang pagkakataon, dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa general debate ng United Nations General Assembly.
Ayon kay Chief of Presidential Protocol Robert Borje, kabilang sa tatalakayin ng Pangulo ang usapin sa COVID-19, peace and security, terrorism, geopolitical developments sa Asia Pacific, sustainable development, climate change, rule of law, justice and human rights, migrant workers at refugees pati na ang peacekeeping at United Nations reforms.
Inaasahan ding magsasalita ang Pangulo hinggil sa usapin ng US-China tensions sa South China Sea.
Matatandaang makailang beses nang nagbanta si Pangulong Duterte na magwi-withdraw na ang Pilipinas sa membership sa UN Human Rights Council dahil sa pakikialam sa kanyang anti-drug war campaign na nauwi na umano sa extrajudicial killings.