Tutungo bukas si Pangulong Rodrigo Duterte sa Guimaras, Iloilo.
Sa regular press briefing sa Malacañang, kinumpirma ni Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo na kasama sa schedule ng Chief Executive bukas ang pagpunta nito sa lugar kung saan naganap ang malagim na trahedya.
Maaaring sa hapon ani Panelo dumating sa area ang Presidente na posibleng personal ding magpa-abot ng pakikiramay sa mga naiwang pamilya ng mga nabiktima ng sea tragedy.
Kaugnay nito, hindi naman nabanggit ni Panelo kung ano ang sentimyento ni Pangulong Duterte sa naganap na trahedya sa karagatan.
Batay sa pinakahuling tala ng MARINA, pumalo na sa 31 ang nasawi kaugnay ng nangyaring insidente.
Facebook Comments