Manila, Philippines – Nilinaw ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na maaari namang magdeklara ng panibagong Martial Law si Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao sa oras na mapaso na ang 60 araw na limit nito base sa itinakda ng Saligang Batas.
Ito ang sinabi ni Panelo sa harap narin ng nalalapit na pagtatapos ng 60 araw na palugit o kung sakaling hindi palawigin ng kongreso ang umiiral na Martial Law sa Mindanao.
Paliwanag ni Panelo, kailangan pang magsumite ng notice si Pangulong Duterte sa kongreso para sa extension ng martial bago sumapit ang ika-60 araw o sa July 22 kung saan kailangang mag desisyon ang kongreso bago mag 10:00 ng gabi.
Sakali aniyang hindi aprubahan ng mga mambabatas ay maaari namang maglabas muli si Pangulong Duterte ng isa pang Proklamasyon para maipagpatuloy ang batas Militar sa buong Mindanao o ilang lugar na lamang sa buong rehiyon.
Pangulong Duterte, maaaring maglabas ng isa pang proklamasyon sakaling mapaso o hindi palawigin ang martial law sa Mindanao
Facebook Comments