Pangulong Duterte, maaring makasuhan dahil sa report ng Human Rights Watch tungkol sa extrajudicial killings sa bansa

Posibleng makasuhan si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng war on drugs ng pamahalaan.
 
Kasunod ito ng inilabas na resulta ng grupong Human Rights Watch (HRW) sa kanilang imbestigasyon sa mga drug-related killing sa bansa kung saan lumalabas na 24 sa 32 na napatay sa giyera kontra droga ay kagagawan ng mga pulis.
 
Ayon kay HRW emergencies Director Peter Bouckaert , pwedeng managot ang pangulo at iba pang opisyal ng pamahalaan sa crimes against humanity na itinakda ng International Crminal Court (ICC) na kinikilala ng Pilipinas.
 
 
Sa ngayon, wala pa aniya silang planong kasuhan ang pangulo pero nagrekomendang itigil na nang tuluyan ang war on drugs.
 
 
Samantala, minaliit lang ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, ang HRW report at sinabing paninira lang ito sa Administrasyong Duterte.
 
 
Maging si PNP Spokesman Sr/Supt. Dionardo Carlos ay ibinasura rin ang HRW report.
 
Hinamon pa nito ang grupo na maglabas ng ebidensya bago magsampa ng kaso.
 
 
Makikipag-ugnayan na ang PNP sa HRW hinggil dito para makakuha ng ebidensya at mabuksan muli ang mga kaso ng umanoy EJK.
 
 Tags: RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila

Facebook Comments