Pangulong Duterte maayos ang kalusugan, pangulo, hindi sineseryoso ang issue

Binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang na nasa magandang kalagayan ng kalusugan si Pangulong Rodrigo Duterte matapos lumabas ang balita na dinalda sa ospital si Pangulong Rodrigo Duterte kahapon dahil sa umano’y emergency medical condition.

 

Matatandaan na kahapon ay kumalat ang balita na nasa ospital si Pangulong Duterte pero napatunayan din namang hindi totoo ang lumabas na balita matapos maglabas ng larawan si dating Secretary Bong Go na kasama ang Pangulo sa bahay pangarap.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hindi naman sineseryoso ni Pangulong Duterte ang mga kumakalat na chismis patungkol sa kanyang kalusugan.


 

Hindi nadin naman aniya ikinagulat pa ni Pangulong Duterte ang paglabas ng issue at sanay na aniya ang pangulo dito.

 

Tiniyak din naman ni Panelo na kung mayroong malalang karamdaman ang Pangulo ay agad naman itong sasabihin sa Publiko ng Pangulo.

 

Binigyang diin pa ni Panelo na nakausap niya si Pangulong Duterte at kung pagbabasehan ang boses aniya nito ay malakas n amalakas ang Pangulo.

 

Nanatili aniya ang Pangulo sa bahay pangarap at doon lumagda ng mga papeles.

 

Dagdag pa ni Panelo, tuloy din ang biyahe ni Pangulong Duterte sa Japan sa huling bahagi ng Mayo.

Facebook Comments