Pangulong Duterte, madadalas ang pananatili sa Mindanao

Manila, Philippines – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na habang umiiral ang Martial Law sa Mindanao at nagpapatuloy ang bakbakan sa Marawi City ay magiging mas madalas siya sa Mindanao.
Sa interview kay Pangulong Duterte matapos ang kanyang pagbisita sa 4th infantry Division ng Armed Forces of the Philippines sa Malaybalay City sa Bukidnon ay sinabi nito na pupunta lang siya sa Metro Manila para gampanan ang mga protocol events.
Sinabi ng Pangulo na hanggang hindi natatapos ang kaguluhan sa Marawi City at maibalik sa normal ang buhay ng mga residente hindi lang ng lungsod kundi ng buong Mindanao ay magiging madalas siya doon.
Ngayong araw ay nasa Mindanao si Pangulong Duterte pero wala pang official schedule na inilalabas ang Malacanang para sa araw na ito.

Facebook Comments