Inabisuhan na aniya ang ilang miyembro ng gabinete na sumailalim sa Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test ngayong tangahali.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ito ay bilang paghahanda para sa pagpupulong ng ilang cabinet members kay Pangulong Rodrigo Duterte na nasa kanyang hometown sa Davao City ngayon.
Pero paglilinaw ni Roque, depende pa rin kung papayagang makabiyahe ang ilang cabinet members patungong Davao dahil na rin sa sama ng panahon dulot ng Bagyong Rolly.
Kasunod nito, agad na mag-aabiso si Roque kung matutuloy ang Talk to the People ni Pangulong Duterte mamayang gabi.
Ito ay makaraang mag-trending sa social media ang #NasaanAngPangulo noong nananalasa ang Bagyong Rolly.
Katwiran ni Roque, bago pa man tumama ang bagyo ay inatasan na ng Pangulo ang lahat ng concerned agencies na maghanda at agad na ibigay ang pangangailangan ng mga apektado nating mga kababayan.
Giit pa nito, kahit pa linggo kahapon ay non-stop ang pagbibigay ng balita, impormasyon at tulong ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan o sa madaling salita ay gumagana at nagtatrabaho ang gobyerno kahit pa nananalasa ang Bagyong Rolly.
Bago rin aniya manalasa ang bagyo ay nakapreposisyon na ang food packs at non-food items na ipinamahagi sa mga lubos na apektado ng kalamidad.