Pangulong Duterte, magbibigay rin ng pabuya kay Hidilyn Diaz

61

Magbibigay rin ng pabuya si Pangulong Rodrigo Duterte kay Hidilyn Diaz, kasunod ng pagkakasungkit nito ng gintong medalya sa Tokyo Olympics.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, milyong piso rin ang ipinangako ng pangulo sa mga makakasungkit ng medalya sa mga ganitong high-level tournaments.


Tumanggi muna ang kalihim na banggitin ang eksaktong halaga nito, dahil posible pa aniya itong madagdagan pa.

Sinabi pa ng kalihim na mauukit na sa kasaysasyan ng Pilipinas ang pangalan ni Diaz.

Si Hidilyn ang tumapos sa 97-taong Olympic gold medal drought ng bansa.

Facebook Comments