Pangulong Duterte, magiging ‘first casualty’ sa political dynasty ban provision

Manila, Philippines – Magiging ‘first casualty’ si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-ban ng political dynasties sa ilalim ng isinusulong na panukalang federal constitution na siyang binubuo ng Consultative Committee (Con-Com).

Ayon kay dating Chief Justice at Con-Com Chairman Reynato Puno, kapag naipatupad ang bagong Saligang Batas, hindi na maaring mag-extend ng term si Pangulong Duterte at sundan o palitan siya ng kanyang immediate relatives.

Ipinunto rin ni Puno, na iginagalang ni Pangulong Duterte ang Con-Com sa pag-regulate ng political dynasties.


Nitong March 12, pinagbotohan ng Con-Com sang-ayon sa pagbabawal ng political dynasties hanggang sa second degree of consanguinity o affinity.

Ibig sabihin, ang mga lolo at lola, magulang, anak, asawa, kapatid, apo, parents-in-law, maging brothers o sisters – in-law ng isang incumbent official ay hindi maaring tumakbo kasabay nito o palitan sa pwesto nito.

Facebook Comments