Pangulong Duterte, magpapabakuna pa rin; kanyang vaccination slot, ibibigay sa mangangailangan – Malacañang

46

Magpapabakuna pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa COVID-19.

Ito ang nilinaw ng Malacañang matapos ihayag ng Pangulo na ibibigay niya ang kanyang vaccination slot sa mas nangangailangan.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mas gusto lamang ng Pangulo na unang mabakunahan ang iba pang tao na mas kailangan nito.

Bagamat mahalaga ang pagpapabakuna ng Pangulo para maitaas ang kumpiyansa ng publiko sa COVID-19 vaccines, limitado pa rin ang supply ng bansa.

Pero sinabi ni Roque na ang malaking bulto ng bakuna ay darating sa bansa sa Mayo at Hunyo.

Pawang espekulasyon lamang aniya ang mga ulat na magiging pribado ang vaccination ni Pangulong Duterte.



Nabatid na gusto ni Pangulong Duterte na mabakunahan ng Sinopharm vaccine.


Facebook Comments