Pangulong Duterte, magpapatawag ng full cabinet meeting sa Lunes

Magpapatawag ng full cabinet meeting si Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, October 12, 2020.

Kasunod ito ng naging presentasyon ni National Economic and Development Authority (NEDA) Chief Secretary Karl Kendrick Chua sa Pangulo kaugnay ng economic figures kung saan umakyat pa ang antas ng kagutuman at kahirapan sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, layon ng pulong na talakayin ang lagay ng ekonomiya ng bansa kasunod ng unti-unting pagbubukas ng mga negosyo sa gitna ng banta ng COVID-19.


Maliban dito, inaasahang tatalakayin din sa pulong ang problema sa transportasyon.

Facebook Comments