Pangulong Duterte, magsasagawa ng high-level meeting para sa COVID-19 situation sa bansa

Nakatakdang pulungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ang ilang matataas na opisyal ng gobyerno para alamin ang kasalukuyang sitwasyon ng Pilipinas sa COVID-19 pandemic.

Ito ang ikalawang pulong ng Pangulo kasama ang ilang Cabinet members ngayong linggo kung saan ang una ay ginanap sa Malago Clubhouse sa Malacañang kaugnay sa pagtugon ng pamahalaan kasunod ng pagtama ng Bagyong Rolly.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magkakaroon ng televised public address ang Pangulo pagkatapos ng meeting.


Aniya, sumalang siya sa COVID-19 test kasama ang iba pang miyembro ng gabinete bilang bahagi ng mahigpit na safety at health protocols ng Presidential Security Group (PSG).

Sinabi ni Roque na bumababa na ang kaso ng COVID-19 bunga ng kooperasyon ng publiko sa public health standards.

Una nang sinabi ni Roque na umaasa ang pamahalaan na mailalagay ang bansa sa maluwag na Modified General Community Quarantine sa susunod na taon.

Facebook Comments