Pangulong Duterte, mahigpit na babantayan ang Naitonal Irrigation Authority

Manila, Philippines – Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa bagong pinuno ng National Irrigation Authority o NIA na si dating AFP Chief of staff Ricardo Visaya.

Ayon kay Pangulong Duterte, ngayon ay libre na ang patubig para sa mga pilipinong kailangan nito partikular sa mga nasa sektor ng agrikultura.

Sinabi ni Pangulong Duterte na wag gawing milking cow o gatasan ang NIA dahil binuhusan ito ng pondo ng pamahalaan para magtayo ng mga patubig sa buong bansa.

Tiniyak naman ni Pangulong Duterte sa mga magsasaka na babantayan niyang mabuti ang NIA dahil sa pondong 150 bilyong piso na inilaan para dito at matiyak na hindi na magbabayad ng 5,00 piso ang mga magsasaka ng irigation fee.


Facebook Comments