Ayon kay Senator Christopher Bong Go, mahigpit na naka-monitor si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa Bagyong Rolly at tinitiyak nitong nakahanda ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno para magbigay ng tulong sa mga mabibiktima ng kalamidad.
Binanggit ni Go, na nagsagawa rin ng pulong si Defense Secretary Delfin Lorenzana kung saan siniguro ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na nakatutok ito sa mga kaganapan kaugnay sa bagyo hanggang sa barangay level.
Ayon kay Go, kumikilos na rin ang militar para sa clearing operations habang ang Department of Public Works and Highways ay nakahanda na para sa mga masisirang istruktura ng bagyo.
Sinabi ni Go, ang Department of Social Welfare and Development naman ay may naka-preposition ng mga food pack para sa mga pamilyang masasalanta ng bagyo.
Binanggit din ni Go na ang iba pang kinauukulang ahensya gaya ng Energy Department at Telecommunication Companies ay inabisuhan na ring bilisan ang restoration dahil napakahalaga ng komunikasyon at suplay ng kuryente sa ganitong panahon.