Pangulong Duterte makikipag-pulong sa mga negosyante sa Thailand

Inihayag ni Trade Secretary Ramon Lopez na magiging abala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulong sa Thailand bukod pa sa mga pulong nito sa dadaluhang 34th ASEAN Summit mula sa Sabado hanggang araw ng Linggo.

Sa press briefing ni Lopez sa International Media Center sa Bangkok Thailand ay sinabi nito na isa sa prayoridad ni Pangulong Duterte sa kanyang pagbisita sa Thailand ay ang pag-iimbita sa mga negosyante na maglagak ng negosyo sa Pilipinas at ipakilala ito bilang isang investment destination.

Sinabi ni Lopez na kabilang sa schedule ni Pangulong Duterte ay ang pakikipagpulong sa mga negosyante ng Thailand, mga lider at members ng Thai industries, business chambers at iba pang pribadong kumpanya tulad ng bangko, agri-business at real estate.


Hihikayatin aniya ni Pangulong Duterte ang mga ito na mamuhunan sa bansa na ayon kay Lopez ay pangalawa sa pinaka mabilis na lumalagong bansa sa ASEAN Region.

Facebook Comments