Manila, Philippines – Kakausapin ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Opisyal ng Philippine National Police Autonomous Region in Muslim Mindanao Headquarters sa Camp Pendatun sa Parang, Maguindanao.
Sa pagbisita ng Pangulo ay magkakaroon ng situation briefing sa pangunguna ni Police Regional Director Chief Superintendent Reuben Sindac at iba pang opisyal ng ARMM police.
Inaasahang tututok sa security issues ang nasabing briefing kung saan aalamin ni Pangulong Duterte ang mga sitwasyon ng seguridad sa rehiyon sa harap narin ng banta ng mga teroristang grupo tulad ng Abu Sayyaf at Maute Group.
Gagawaran din naman ni Pangulong Duterte ng medalya ng kagitingan ang ilang Pulis ng ARMM at pangungunahan din naman ng Pangulo ang pagbibigay ng certificate sa mga nagtapos sa motorcycle riding course.
Magsasalita din naman si Pangulong Duterte sa harap ng mga pulis ng ARMM.
DZXL558