Pangulong Duterte, makikipag-usap sa US Defense Secretary

Inaasahang magsasagawa ng pulong si Pangulong Rodrigo Duterte kay US Defense Secretary Lloyd Austin III ngayong araw.

Bibisita si Austin sa bansa ngayong linggo kasabay ng ika-75 taong anibersaryo ng diplomatic relations ng Pilipinas at Estados Unidos.

“President Rodrigo Roa Duterte is scheduled to receive United States Secretary of Defense Lloyd J. Austin III in a courtesy call in Malacañang on 29 July 2021,” batay sa statement ng Malacañang.


“His visit to the Philippines highlights the 75th Anniversary of the Establishment of Diplomatic Relations between the Philippines and the United States and the 70th Anniversary of the PH-US Mutual Defense Treaty.”

Una nang binisita ni Austin ang Vietnam at Singapore na layong pagtibayin ang US defense relations sa mga bansa sa Southeast Asia.

Nabatid sa huling State of the Nation Address (SONA), inihayag ni Pangulong Duterte ang kanyang pagduda kung tutulong ba ang US sa Pilipinas sakaling atakehin ang bansa sa harap ng pakikipag-agawan ng teritoryo nito sa China.

Sa ilalim ng Mutual Defense Treaty, dedepensahan ng US at Pilipinas ang bawat isa sakaling magkaroon ng external armed attack.

Facebook Comments