Manila, Philippines – Personal na kakausapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang labindalawang menor de edad na nirescue ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isang operasyon sa Navotas City.
Ito ay matapos na mag viral sa social media ang umano ay hindi maayos na paghawak ng mga PDEA agents sa menor de edad na nadatnan nila sa isigawang raid.
Sa pulong balitaan, sinabi ni PDEA chief Director General Aaron Aquino na magaganap ang pakikipagkita ng pangulo sa mga bata sa susunod na linggo.
Ayon kay Aquino, sinabi sa kaniya ni Duterte, napaiyak ito nang mapanood niya ang video ng mga minors na nailigtas sa pagiging mula sa kamay ng sindikato ng droga.
Itinanggi rin Aquino na nilabag ng mga PDEA agents ang karapatang pantao ng naturang mga bata nang iparada sila sa kamera habang ipinapasok sa sasakyan ng mga otoridad.
Nilinaw ni Aquino na pinakain at ibinigay nila ang pangangailangan ng mga bata matapos ang operasyon.