Pangulong Duterte, makikipagpulong sa business groups para talakayin ang quarantine measures

Makikipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga business group para pag-usapan ang mga posibleng adjustment sa quarantine measures.

Ito ay hakbang ng pamahalaan sa muling unti-unting pagbubukas ng ekonomiya sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga pagbabago sa quarantine measures ay maaaring ipatupad pagkatapos ng June 30, 2020 lalo na at ipinapatupad lamang ang bagong area classifications na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF).


Maaaring itanong ni Pangulong Duterte sa mga negosyante kung paano mapapabilis ang pagbangon ng bansa mula sa pandemya.

Iginiit ni Roque na kailangan ng pamahalaan na tulungan ang pribadong sektor sa recovery phase.

Pagtitiyak ng Palasyo na may mga livelihood programs ang isinasagawa ng pamahalaan para matulungan ang mga apektadong sektor gaya ng mga jeepney drivers.

Facebook Comments