Pangulong Duterte, Makikiusap Kay Indonesian Pres. Joko Widodo Para Sa Kaligtasan Ni Mary Jane Veloso

9

MANILA – Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na tanggapin ang magiging desisyon ng Indonesian government sa kaso ng kababayan nating si Mary Jane Veloso na nahatulan ng kamatayan sa kaso ng ilegal na droga.Sa departure statement ng pangulo sa Davao International Airport, sinabi nito na buong paggalang siyang makikiusap kay Indonesian President Joko Widodo para mailigtas sa kamatayan si Veloso.Ayon pa sa pangulo, wala siyang duda at tiwala siya sa judicial system ng Indonesia.Pero, kung ituloy man aniya ng indonesian government ang firing squad ay magpapasalamat pa rin siya kay Widodo dahil sa naging maayos na pagtrato kay Veloso.Matatandaang, noong Abril pa sana nakatakdang i-firing squad si Veloso pero, ipinagpaliban, matapos iapela ng dating Pangulong Noynoy Aquino ang kaso kung saan naaresto ang illegal recruiter nito na sina maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao.

Facebook Comments