Pangulong Duterte malabong bawiin ang mga sinabi laban sa kapa ayon sa Malacanang

3526

Inihayag ng Palasyo ng Malacanang na malabong bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang sinabi ukol sa pagpapasara sa KAPA ministry International na na sinasabing isang investment Scam.

 

Ito ang reaksyon ng Malacanang sa harap ng panawagan ng ilang miyembro ng ng KAPA kay Pangulong Duterte na huwag ipasara ang KAPA dahil nakatutulong ang mga ito sa kanila.


 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel At Presidential spokesman Secretary Salvador Panelo, naninindigan si Pangulong Duterte na isang syndicated estafa at malinaw na panloloko ang ginagawa ng KAPA kaya hindi an dapat itong magpatuloy pa.

 

Sinabi pa ni Panelo na kaunti lamang ang nagrereklamo sa pagsasara ng KAPA kaya hindi ititigil ng NBI ang ng CIDG sa Operasyon ng KAPA.

Facebook Comments

From Advertisers